Tuesday, September 29, 2009

#27: Si Tom - Biktima ng Rape

Ito ang istorya ni Tom sa akin kung bakit galit siya sa lalaking kasing tanda ng tiyuhin niya at alamin natin ang sikolohikal na ngitngit niya at kung bakit “gusto niyang makaniig ang lalaking kasing edad ng tiyuhin niya.”
Narito ang kuwento niya…
Nakilala ko si Tom sa isang kainan sa isang kilalang fastfood chain isang hapon habang kumakain ako ay naki-share siya sa mesang kinaupuan ko. “Hello, puwedeng makishare sa table mo?” “Oo ba, wala namang nakaupo diyan.” At nilapag niya ang tray ng pagkaing inorder niya. Sa simula ay hindi kami nagkibuan sa isat-isa habang kumakain kami pero di nagtagal siya ang bumasag sa katahimikan at nagsabing “Sir, parang kasing edad kayo ng Tito ko? Mawalang galang na ho ilan taon na ba kayo?” usisang-tanong niya sa akin. “Nasa forties na ako, to be exact 43.” tapat na sagot ko sa kanya. “Magkasing-edad nga kayo ng Tito ko.” “Bakit mo naman naitanong ang edad ko, naala-ala mo ba ang Tito mo?” “Oho, at hindi ko siya malilimutan sa tanang buhay ko!” parang galit ang tono ng kanyang boses. Si Tom, sa tingin ko ng mga panahong nagkita kami ay wala pa sigurong 25 anyos at mukha naman siyang mabait. “Saan ka nga pala pumapasok Tom?” “Diyan lang ho sa may kanto, ‘yong may malaking tindahan ng mga industrial spare parts.” “Ganoon ba, di medyo malaki rin ang kinikita mo diyan?” “Tamang-tama lang ho, mataas lang konti sa minimum.” “Kayo ho saan naman kayo nagtatrabaho?” “OCW ako at nagbabakasyon lang dito sa atin.” “Dollars pala ang kinikita nyo sir.” “Oo, pero sa hirap ng buhay dito sa atin ay medyo kapos pa rin.” “Oo nga po, katulad kong ordinaryong trabahador, ramdam ko rin ang hirap ng buhay dito.” “Tagasaan ho ba kayo rito sa atin.” “A, sa Mindanao pa ang amin, andito ako sa Manila para asikasuhin ang mga papeles ko pabalik sa ibang bansa.” “Sir, saang bansa pala kayo nagtatrabaho.” “Sa Gitnang Silangan, Sa Saudi. Medyo matagal na rin akong nagtatrabaho sa ibang bansa.” “Ganoon ho ba sir?” “May lakad ka pa ba pagkagaling dito?” pakli kong tanong kay Tom. “Wala na ho, baka uuwi na ako pagkatapos nito sa amin.” “Umiinom ka ba?” “Oho, pero katamtaman lang, madali kasi akong malasing.” “Gusto mo mag-inuman tayo, alas-tres pa lang naman ng hapon?” “Kayo ho, ang bahala.” “Di sige…” At sabay kaming lumabas sa fastfood na iyon.
Habang naglalakad kami ay nagkukuwento ako tungkol sa aking trabaho sa abroad at kung anong “meron” ang pag-aabroad at marami pang kuwento tungkol sa mga Arabo, sa bansa nila at pag-uugali. Nang marating namin ang lugar na gusto kong pag-inuman namin ay bumili ako sandali ng sigarilyo sa labas habang pinahintay ko siya sa may pintuan.
Pumasok na kami at sinalubong ng isang waitress, pinaupo at tinanong kung anong iinumin namin. Umorder ako ng tig-iisang beer para sa unang bugso, habang tinitingnan ko ang palibot ng inuman kase medyo marami-rami na rin ang umiinom. Medyo okay naman ang lugar kunbaga, safe ang lugar kahit malasing kami. Nagkuwentuhan uli kami ni Tom habang umiinom. Nang makapangatlo na kami ng beer ay namalayan kong makuwento na si Tom at kahit alam kong medyo tinamaan na siya dahil sa nainom namin ay medyo mabilis na siyang magkuwento na may kasama pang kompas sa kamay. Pinakinggan ko ang kanyang kuwento at tumatango sa bawat gusto niyang idiin na malaman ko sa kuwento niya. Kumbaga, okay lang ako ng okay, tango lang ng tango, hindi kumukontra sa mga sinasabi niya.
Sa kuwento niya na noong 16 pa lang siya, (sinabi niyang 25 na siya ngayon) ay ginahasa siya ng kanyang tiyuhin sa probinsya. Nang mga panahong iyon ang Tito niya ay kalahati sa edad niya, 32 to be exact at wala pang asawa ng mangyari ang panggahasa sa kanya. Ang tiyuhin niyang ito ay kapatid ng nanay ni Tom at doon sa kanila nakitira dahil nag-iisang kapatid ito ng nanay ni Tom na wala pang asawa, ulila na sila sa magulang. Isang gabi raw ay umuwi itong tiyuhin niya sa kanila na lasing na lasing. Tinulungan ni Tom na makapanhik sa bahay ang tiyuhin at inalalayan papuntang kuwarto na sa kuwarto ding ito natutulog si Tom, kumbaga magkatabi silang natutulog. Marami na ngang mga pangyayari na ang tiyuhing ito ni Tom ay nanghihipo ng ari niya o dili ba kaya’y pinahihipo ang ari niya, sinasakyod o kinakadyot siya sa likod, minomolestiya kunbaga, na hindi lang niya masabi sa kanyang mga magulang. Pero ang gabing yaon ay talagang hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya tulad noong nabanggit niya sa akin habang kumakain kami sa fastfood.
Naipasok niya ang tiyuhin sa kuwarto at pinahiga ng maayos sa kama. Pero dahil bata pa si Tom at sa murang lakas ay hindi niya kayang igupo ang lakas ng tiyuhin ng siya ay biglang hablutin at pilit na kinubabawan nito. Nagpupumiglas si Tom pero naigupo rin siya nito ng tuluyan. Hindi na niya maalaala kung paano naibaba ng tiyuhin ang shorts niya at tuluyang nilugso ang kanyang puri. Ito ang masakit sa kanyang kalooban at mapait na alaalang kumintal sa kanyang isipan hanggang ngayon. Paglalahad ni Tom sa akin na medyo mamula-mula na ang mga mata dahil siguro sa hindi malimutang pangyayari. Hinaplos ko siya sa likod na para bang batang inalo-alo. “I’m okay, Kuya…” “O siya, alam ba ito ng mga magulang mo,” usisa ko sa kanya na may pagmamalasakit. “Hindi ko kayang ipagtapat sa kanila. At mga ilang taon na rin naman nangyari ‘yon di ba?” “Para ano pa?”
Pero alam mo kuya, mula nang mangyari iyon… nag-iba na rin ang aking buhay sekswal. Mas gusto ko na makapareha (sa kama) ang medyo may edad sa akin, yon bang mas nakakatanda sa akin. Marami na rin ang nagpasasa sa katawan ko… ginagamit, kinakatasan! Hindi ko alam kung bakit gusto ko rin iyon. Galit ako sa Tito ko pero gusto ko na makaganti sa mga katulad niya sa larangang ito. “Ang ibig bang sabihin niyan ay nagkakagusto ka na rin sa kapwa mo lalaki?” “Bata pa ako kuya at gusto ko rin ng babae, may siyota nga ako pero di ko alam kung tutuluyan ko ba siya. Siguro balang araw mag-aasawa din ako.” “E, bakit ka nagkakaganyan? Inaabuso mo ang iyong kabataan sa wala namang kuwentang paghihiganti?” “Di ko alam kuya, pero may maganda rin naman akong nararamdaman sa pagniniig ko sa kapwa lalaki… parang nakaganti na rin ako sa Tito ko pag may gumamit at nahumaling sa katawan ko.
Kahit papaano ay gusto ko na rin sana si Tom, pero sa inilahad niyang mapait na pangyayari sa kanya ay sinarili ko na lang ito. Di na bale, baka makadagdag pa ako ng pasanin niya sa buhay.
“Kaya mo pa bang umuwi niyan,” tanong ko kay Tom nang matapos na kaming uminom. “Kaya ko pa kuya at salamat nga pala.” “Wala iyan, sige labas na tayo.”
Hinatid ko si Tom sa sakayan pauwi sa kanila. “O ano kuya, kita na lang ulit tayo muli.” huli niyang sambit sa akin bilang pamamaalam. “Sige, ingat!” Pero hindi na kami nagkita muli.

No comments:

Post a Comment